Key Points
- Dumarami ang mga rally na ginagawa ngayon sa Metro Manila para itaas ang sweldo, sa gitna ng nararanasang inflation, o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
- Pag-aaralan ng Department of Budget ang posibildad ng isa pang round ng pagtaas ng sweldo.
- Ire-review ang mga benepisyo para sa mga empleyado ng gobyerno para sa 2023 .
Iginiit ng grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) na ang “living wage” at “security of tenure” ay bahagi ng constitutional right ng isang manggagawa.