'Dahil sa football nakamit ko ang pangarap ko': Kwento ng sakripisyo at tagumpay ng isang football coach

Coach Edna McDonald-holding a flag.jpg

Coach Edna Agravante-McDonald naniniwalang dahil sa paglalaro ng football nabago ang takbo ng kanyang buhay at nakamit ang mga pangarap sa buhay. Source: Skip Tan

Alamin ang kwento ng pagsasakripisyo at kung paano nabago ang buhay ng dating myembro ng Philippine Women’s National Football Team na si coach Edna Agravante-McDonald dahil sa pagsisikap na makapaglaro hanggang makarating sa Australia.


Key Points
  • Dating myembro ng Philippine Team sa larong football si Coach Edna Agravante McDonald, hanggang nakarating sa Australia at naging nurse.
  • Si Coach Edna ay dating naninirahan sa squatters area sa Pasay sa Maynila.
  • Tanging pangarap ni Coach Edna ay maka-alis sa squatters area at makabili ng sariling bahay para sa ina.

Salat sa buhay simula pa noong bata pa si Edna Agravante o Coach Edna Agravante McDonald. Kahit kumakayod ang kanyang mga magulang hirap pa din sila sa buhay.

At dahil gustong makapagtapos ng pag-aaral naisipan nitong ang talento sa sports ang maging sandigan para simulan ang pangarap ng kanyang pamilya.

Matapos ang high school nakakuha ng scholarship sa Far Eastern University sa larong track and field. Pero kwento ni Coach Edna, hindi madali ang kanyang buhay atleta nang magsimula sa FEU.

"Kapag  Sabado at Linggo, umuuwi ang mga teammates ko sa kanilang bahay. Lalabhan ko ang damit nila pero sabi ko sa kanila basta pagbalik, magdala sila ng food. Pero ang hindi nila alam, nag-stay lang ako kasi wala akong pamasahe pauwi. 

Humihingi ako ng tira-tira na meal stub. Ang ulam ko hihingi ako kay Mang Jun ng bagoong na ilalagay sa plastic. Yan ang galawan ko every week - and it's been like that for a year," kwento ni Coach Edna.

Hanggang nabigyan ng pagkakataong makapasok sa larong football, at nagtuloy-tuloy na ito makasama sa Philippine Team.

Higit isang dekada na naging representante ng Pilipinas si Edna sa laban sa iba’t ibang bansa sa larong football at isa sa malaking karangalan ang gawaran siya ng MVP.

Pero katumbas nito ang hindi matatawarang training tatlong beses sa isang araw mula umaga hanggang hapon lalo’t may pinaghahandaang torneyo.

Kasabay pa nito ang kanyang pag-aaral sa kursong Bachelor of Banking and Finance sa FEU.

Maliban sa pagiging player ng football ng FEU at national team, binuhos nito ang oras sa pagiging coach sa ibang pribadong eskwelahan sa football, nagtatrabaho din siya sa isang financial investment na institusyon para mabilis na makapag-ipon.

Gusto ni Coach Edna mabigyan ang mga magulang ng sariling bahay para maging maginhawa ang buhay lalo na ng kanyang ina na tanging pinagkakakitaan ay pagbebenta ng mga pagkain sa terminal ng bus.

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nang may naipon na si Edna para sa bahay ng kanyang pamilya, nawala naman ang taong pinaghahandugan niya ng kanyang pagsisikap ang kanyang ina.

" I struggled.  Hindi ko alam kung paano ako tatayong muli. Hindi na ako pumupunta sa national team. Nag-stay na lang ako sa bahay, lagi nalang ako umiiyak.

Nang mamatay sya, [emosyonal] hindi na ako nagte-training at  nag-stop na ako magtrabaho."



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
'Dahil sa football nakamit ko ang pangarap ko': Kwento ng sakripisyo at tagumpay ng isang football coach | SBS Filipino