Key Points
- Wala nang balak ang mga Senador na ipatawag muli si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig nito hinggil sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
- Sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na magagamit ang mga iyon bilang dagdag na ebidensya sa kasong crimes against humanity na iniimbestigahan nito laban kay Duterte.
- Sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na magagamit ang mga iyon bilang dagdag na ebidensya sa kasong crimes against humanity na iniimbestigahan nito laban kay Duterte.
Sa ibang balita. kabilang ang Pilipinas sa limang nangungunang bansa na nagtataglay ng mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng mga kaso ng tuberculosis o TB sa buong mundo
Batay sa data mula sa World Health Organization o W-H-O, 1.25 milyong tao ang nasawi sa TB sa buong mundo nuong 2023.
Dahil dito, itinuturing ang TB na leading infectious disease killer sa buong mundo
Sa Pilipinas, 739 thousand ang nagkaroon ng tb nuong 2023.
Sa bilang na iyan, 37 thousand ang namatay.
Habang bumababa ang bilang ng mga may TB sa rehiyon, sinabi ng W-H-O na tumataas ang bilang ng mga kaso sa Pilipinas.
Kabilang din sa mga may mataas na kaso ng tb sa buong mundo, ayon sa W-H-O, ay ang India, Indonesia, China at Pakistan.