Ang ilan sa atin ay maaaring nasa pagtanggi pa rin na ang mga bagay na ito ay umiiral, ngunit kapag dumating tayo sa yugtong iyon ng pagtanggap na may isang bagay na mali, doon lamang tayo maaaring makagawa ng isang bagay upang harapin ito.
Sa pagbabahagi ng kanyang personal na pinagdadaanan sa pagharap sa isyu ng pangkaisipang kalusugan lalo na sa depresyon at pagkabalisa, nais bigyang-diin ng dating internasyonal na estudyante na si Jarl Belleza na "sa parehong paraan na humingi tayo ng medikal na tulong kapag nakakarandan tayo ng sakit sa pisikal o sakit sa ating katawan, kailangan din ang kaparehong pagbibigay-pansin pagdating sa kalusugan ng isip."
Pakinggan ang kanyang kuwento at alamin kung paanong ang paghingi ng medikal na tulong ay pinapagaan ang kanyang kinakaharap na isyu.