Tatlumpu't limang taon mula ng manirahan sa Australya, sa tingin ni Deborah Ruiz-Wall na ang "edukasyon at serbisyo sa mga tao ay hindi natatapos at hindi dapat na matapos dahil tayo ay palaging nahaharap sa mga pagsubok at hamon." Larawan: Deborah Wall kasama sa Governor Marie Bashir sa Government House
Si Deborah ay ginawaran ng Medal of the Order of Australia (OAM) noong taong 2004 para sa serbisyo sa komunidad sa larangay ng panlipunang kataraungan, nagsulong ng pagkakasundo, at multikulturalismo.
Ipinagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya para sa mga kababaihan, pagtataguyod ng pagkakasundo sa bansa sa pagitan ng mga katutubo at di-katutubong Australyano, gamit ang mag tula, kasaysayan na isinalin sa pamamagitan ng wika at anumang panulat upang makapagbigay ng kamalayan sa mga tunay na nangyayari sa ating paligid.



