Si Deborah Wall, PhD ay isang Pilipino - Australyanang mamamahayag at mananaliksik na may espesyalisasyon sa pag-aaral sa mga Aborihinal at oral history.
Tampok sa kanyang libro ang mga kwento ng mga kaapu-apuhan ng mga Pilipinong migrante na tinawag na "Manila Men" na dumating sa Australya sa huling bahagi ng 1800. Ang kanilang mga trabaho ay pangunahing umiikot sa pangunguha ng perlas o pearl farming sa mga lugar ng Broome at Torres Straits sa Australia.
Ang librong ito ay pagtipon at pagdokumento sa paghahanap ng mga kaapu-apuhang ito para sa kanilang pinagmulang Pilipino.