KEY POINTS
- Ang kanyang kakaibang gawain ay madalas makikita sa mga kilalang fashion magazine tulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Elle, Marie Claire, Schon, Nylon, at GQ. Kamakailan lamang, siya rin ay naging isang mahalagang contributor ng Vogue Philippines.
- Ipinagmamalaki ni Carlos na maging Pilipino sa isang industriya kung saan ay malimit ang mga Pilipino.
- Siya ay red at green colourblind, isang hereditaryong kondisyon na maaaring maging hadlang sa kanyang karera kung saan ang kulay ay napakahalaga.
Si Carlos Mangubat ay kasalukuyang tinatahak ang masigasig na industriya ng fashion sa Australia. Siya ay kasalukuyang nakabase sa Melbourne kung saan nakilala siya dahil sa kanyang editorial, runway, advertising, at celebrity styling.
Ang kanyang kakaibang gawain ay madalas makikita sa mga pahina ng mga pangunahing fashion magazine tulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Elle, Marie Claire, Schon, Nylon, at GQ. Kamakailan lamang, siya rin ay naging isang mahalagang contributor sa Vogue Philippines.

Sa kanyang 15 taon sa karera, nakatrabaho ni Carlos ang mga kilalang tatak na tulad ng Hugo Boss AU, Tommy Hilfiger AU, Harrolds, Matchesfashion.com, Philip Treacy, at kilalang artista na si Sarah Snook.

Ang kanyang paglalakbay patungo sa taas ay hindi nagdaan nang walang mga hamon. Siya ay colourblind sa pula at berde, isang kondisyong hereditary na maaring maging hadlang sa kanyang karera sa larangan kung saan ang kulay ay napakahalaga. Gayunpaman, binago ni Carlos ang potensyal na hadlang na ito patungo sa kakaibang lakas. Sa tulong ng mga kaibigan at assistants, at sa lohikal na pagtutok sa kanyang trabaho, nagtagumpay siya sa paglikha ng mga visually stunning at commercially appealing na mga larawan patunay na hindi hadlang ang anumang kahinaan tungo sa tagumpay kung gugustuhin.

Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilino na gumagawa ng sariling marka sa industriya ng musika at sining.



