Key Points
- Kinontra ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pahayag ng China na nagsabing hindi ginamitan ng Chinese Coast Guard ng military-grade laser ang Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal sa South China Sea
- Nanindigan ang DFA na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, dahil nasa 100 nautical miles lamang ito mula sa pinakamalapit na isla ng Palawan, bagay na pinagtibay ng United Nations Arbitral Tribunal.
- Nagsampa ang Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa China.
Sa ibang mga balita, kasunod ng malakas na lindol sa Masbate, lalong pinagtutuunan ng atensyon ang paghahanda para sa sinasabing “the big one” o magnitude 7.2 na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila kung gagalaw ang West Valley Fault.
Nakarating na sa Pilipinas at dinala sa Lucena City sa Quezon Province, ang mga labi Wilma Tezcan, isa sa dalawang Pinay na nasawi sa malakas na lindol Turkiye.