Ano ang inklusibong musikang Australyano? Ito ang tinig ng maraming iba't ibang kultura na nagsama-sama na may iisang damdamin ng pagbuo ng isang magandang musika. Larawan: Ang Sydney World Music Chamber Orchestra kasama ang producer na si Richard Petkovic (nakatayo, ikatlo mula kanan) at lyricist Maria Mitar (nakatayo, ikalawa mula kaliwa) (Isinuplay ng SWMCO)
Ang mga lumikha ng Sydney Sacred Music Festival at Cultural Arts Collective, na siya ding nasa likod ng grupong Worlds Collide kung saan miyembro ang Filo-Aussie na si Esky ang Emcee, ay pinagsama ang iba't ibang kultural na mga tunog at boses upang buuin ang Sydney World Music Chamber Orchestra.
Ibinahagi ni Richard Petkovic ang musika ng orkestra at ang nalalapit na paglabas ng awiting 'River'.
Para sa dagdag na detalye, magtungo sa Cultural Arts Collective website.
Share



