Ayon sa mga ekonomista, ngayong bagsak ang halaga ng piso kontra dolyar, inaasahan ng pamahalaan ng Pilipinas na ang remittance ngayong magpa-Pasko ang hahatak sa ekonomiya na pinadapa rin ng magkakasunod na kalamidad.Kaya isang mahalagang usapin ang pagiging ligtas ng perang pinapadala gamit ang online banking at digital wallet.
Key Points
- Ngayong ramdam ng bawat mamamayan ang bigat ng inflation, isang pag-aaral nagsasabing isa sa bawat tatlong migrante sa Australia o 32% ang napipilitang gawing mas madalas ang pagpapadala ng pera sa pamilya dahil sa laki ng pangangailangan
- Unti-unti nang niyayakap ng mga Pilipino ang pagpapadala o remittance gamit ang digital wallet .
- Pagdating sa seguridad, bukod sa tracking at masusing verification process, pinag-aaralan na rin ng mga kumpanyang pinapapadalahan ng pera ang pagsugpo sa mga lumalaganap na scam at iligal na gawain na ginagamit ang kanilang serbisyo.

Share




