Daanglibong New Zealander na naninirahan sa Australia ang magkakaroon ng direktang pathway sa Australian Citizenship na magbibigay ng karapatan sa mga benepisyo at suporta ng gobyerno.
Key Points
- Aabot sa 400,000 na Kiwi ang eligible sa ibibigay na direct pathway sa Australian citizenship.
- Gaya ng mga mamamayan ng Australia, magkakaroon ang mga ito ng access sa social, housing at disability support gayundin sa student loan at karapatang bumoto.
- Ikinalugod naman ng Punong Ministro ng New Zealand na Chris Hipkins ang balita at iginiit na magpapatibay ito ng relasyon ng dalawang bansa.
Share





