Diskarte sa ligtas na grocery shopping ngayong panahon ng pandemya

online shopping, grocery shopping tips, lockdown

Diskarte ng ilan, mas maagang mamili o piliin ang oras na walang gaanong tao. Source: Pexels

Dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus cases sa New South Wales, pinag-iingat ng pamahaalaan at health department ang mga residente sa pamamalengke. Ibinahagi ng ilang kababayan ang kanilang tips sa pagbili ng groceries online.


Highlights
  • Retail shops at supermarket, karaniwang napapabibilang sa mga listahan ng exposure sites
  • Mamili ng mas maaga
  • Online shopping naman ang diskarte ng ilan para hindi na pumunta sa mga supermarkets
Nitong nakaraang Linggo, tanging mga essential businesses na lamang ang pinapayagan magbukas sa New Southwales. Take away, delivery at Click and Collect naman ang pinapayagan sa ibang mga tindahan.

Isang tao sa bawat households na lang din ang pwedeng mag grocery para maiwasan ang pagdami ng tao at hawaan sa mga pamilihan. Karaniwan kasi sa mga natukoy na exposure sites ay mga supermarkets at retails shops.


 

Diskarte ng ilan, mas maagang mamili o piliin ang oras na walang gaanong tao.

Para sa residenteng si Michelle, mas mabuting manatili lang sa mga tindahan ng sampung minuto at huwag magpabalik-balik sa mga isle. Importanteng may listahan ng bibilhin. 

Pinupunasan naman ni Lauren Lopez ang mga pinamili ng paper towel na may alcohol bago ilagay sa kanilang pantry.

Online shopping

Para bawas stress at pangamba sa pagpunta sa supermarkets, mas pinipili ng ibang residente na mag-online grocery shopping.

Nakita ng mag-asawang Rommel at Pink Montoya sa Sydney, ang halaga ng pamimili online. Bukod sa mas ligtas, mas naiisakto din nila sa budget ang mga item.

Kwento ni Pink, "If you set a budget, when you go online, alam mo na sa basket mo kapag nag-oover ka na sa budget so you can plan"

Tips ng wais na misis

Ang tips ni misis, kailangan maging wais pa rin kahit na nasa mga daliri na lang nakasalalay ang pagshoshopping.

"Nakikita mo what items are available kaya pwede ka agad mag-meal plan and when you buy sa online groceries, maganda na yung item na binibili mo is good for two or more recipes.."

Abril nitong taon nang maisipan na rin ng mag-asawa na magtayo ng sarili nilang online grocery shop na NorthShore Asian Mart. Maliban sa mga paboritong Filipino products, mayroon din silang Korean at balak na ring mag-angkat ng Indian products.

Sa halip na magrenta at magbantay ng tindahan, mas naiituon daw nila ang oras sa mga online orders at nakakapag-abot ng serbisyo sa mas malalayong customers.

Bentahe daw ito para sa kanila ngayong may pandemic ayon kay Rommel. Dahil sa sunod-sunod na lockdown, dumami rin ang mga suki nila.

"Consistent naman yung mga umoorder pero napansin namin, before ang umoorder lang is from lower Northshore, Country side, Central Coast at inter-state pero ngayon meron na rin sa mga area na maraming Pilipino like Inner West and South West.

Nagdagdag na rin sila ng mga produkto galing Pilipinas na karaniwang hinahanap ng mga kababayan natin. Paborito daw bilhin ang mga noodles at sahog sa sari-saring Pinoy dishes.

Pagdating naman sa delivery, para tiyak na COVIDsafe, pinili nilang magkaroon ng third party couriers.

"Australia-wide delivery pa rin kami. pero dahil lockdown at para sa safety namin at ng customers, lahat via third party customer and delivery. Yung courier namin, maganda ang safety standard nila, contactless at may station hub everywhere in Australia."

Mabilis at walang gaanong aberya ang online shopping pero paalala naman ng mga resellers na tulad ni Rommel at Pink sa mga consumer na tiyaking aprubado sa Australia ang kanilang mga binibili online.

Nauuso rin kasi ngayon ang bentahan ng sari-saring produkto na hindi dumadaan sa safety standards ng bansa.

"Before you import stuff, chinecheck yan for safety at labeling standard ng Australia at sinisugarado nila na there's no health risk sa mga ingredients at products na nakakapasok at no environmental risk na pumapasok sa Australia"

Anila, kanya kanya man ng diskarte para kumita at mamili ngayong lockdown, ang mahalaga ay sumunod sa mga health protocols at panatilihin ang kalidad ng serbisyo para sa kaligtasan ng bawat isa.

Samantala para sa mga patuloy na namimili sa mga supermarkets, ibayong pag-iingat ang  abiso ng pamahalaan. Huwag kalimutan gamitin ang mga QR codes para magcheck-in. Palagian ding i-check ang listahan ng mga bagong exposure sites na dapat iwasan.

At sakaling makaramdam ng anumang sintomas ng sakit, kaagad magpatest at huwag nang hintaying lumalala at makahawa.



 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand