Key Points
- Ang kaso ng HIV sa bansa ay tumaas nang 500 per cent sa mga nakababatang Pilipino, na ang edad ay 15 hanggang 25 taon.
- Sa botong 172 na pabor; walang tutol: at isang nag-abstain, tuluyan nang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagdaragdag ng dalawandaang piso sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
- Pagpapabasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, inihain ni Senator Ronald dela Rosa.
Nagsama-sama ang indigenous leaders o ang mga lider ng katutubo mula sa Pilipinas at Australia para dumalo sa Indigenous Resource Governance Summit sa Pilipinas.
Ayon sa Australian Embassy sa Manila, doon nagpalitan ang mga katutubo ng kanilang kaalaman sa pagmamay-ari ng mga lupain, at ng kaalaman sa kanilang kultura at heritage o kinamulatan.
Kabilang sa mga bumisita sa Pilipinas ay ang mga kinatawan ng Yolngu People of Nhulunbuy.
Pinangunahan ang summit ni Jayson Ibañez ng Philippine Eagle Foundation.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.