Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Dr. Jimmy Lopez: Tunay na pamumuno sa pagbibigay serbisyo

site_197_Filipino_713024.JPG

'Jimmy, the worker,' sa paglalarawang ito nais makilala ng pinakabagong pinarangalan at kilalang pinuno sa Pilipino-Australyanong komunidad na si Dr. Jimmy Lopez. Halos buong buhay niya, siya ay nakatuon sa pagbibigay serbisyo. Ang parangal na ibinigay sa kanya ni MP Greg Warren ng Campbelltown, New South Wales (NSW) bilang bahagi ng Premier's Volunteer Recognition Program, ay tunay lamang na nararapat na parangal sa kanya. Larawan: Si Dr. Jaime 'Jimmy' Lopez sa opisina ng Arts, Culture and Innovation Central (ACI Central) (C. Diones)


Sa kanyang karismatikong ngiti at mapagkumbabang personalidad, ibinahagi ni Dr. Jimmy Lopez, na kanyang ipinapangarap na maipamana ang sining at kultura ng mga Pilipino sa batang henerasyon ng mga Pilipino-Australyano.

Sa kasalukuyan, si Dr. Jimmy Lopez ang pangulo ng National Affiliation of Respectable and Responsible Associations (NARRA) Co-operative Ltd, at Blessed Pedro Calungsod, Inc. Siya rin ang 'founding president' ng maraming mga matatag na kapisanan ng mga Pilipino-Australyano sa ngayon.

 

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now