Paano naging hudyat ang sining upang matagpuan ng isang Pilipinang pintor ang sarili

Photo: Andre Castellucci Website: Tyrone Ormsby

Photo: Andre Castellucci Website: Tyrone Ormsby Source: Photo: Andre Castellucci Website: Tyrone Ormsby

Sa kagustuhan na mas maunawaan ang kanyang pinagmulan, pinasok ni Aida Azin ang visual arts.


Para sa Pilipina-Iranian visual artist na si Aida Azin, hindi lamang isang uri ng ekspresyon ang pagpinta kundi isang daan din upang maunawaan niya ang kanyang pinagmulan.

Ipinanganak ng isang Pilipina at Iranian, lumipat sila sa Australya bilang migrante at habang lumalaki, naramdaman niya na wala siyang kaalaman tungkol sa kanyang pamana.
“I wanted to explore more about my background and painting for me was the best way to connect to my background because I wasn’t really brought up in a Filipino community I thought painting was the best way to research my heritage.”
Aida Azin
Born of Filipino and Iranian parents who moved to Australia as migrants, she always felt that her Filipino heritage was out of reach. Source: Aida Azin

Ang pagiging malikhain ay nanganagilangan ng lakas ng loob

Sa malalim na pagnanasa na maintindihan kung saan siya nanggaling, naramdaman niyang kailangan niyang kumilos.

Taong 2015 nang mag-desisyon siyang pumunta ng mag-isa sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

Tila baga nahanap niya ang sarili sa pamamagitan ng sining ngunit naramdaman na para nawawala sa isang di kilalang bansa.

 “I went to the Philippines for the first time in 2015 on a holiday by myself and when I went there, I really didn’t know what to expect.”

Habang nakakatakot na umalis sa komportableng buhay at pumunta sa isang bansa na kailanman di niya napuntahan o nakita, sinabi niya na naging biyaya naman ang byahe niya dahil nakilala niya ang mga pintor na nagpakilala sa kanya sa kulturang Pinoy.

"I found that I learnt more about the Philippines through hanging out with other artists and it wasn't until I met the people who are now my friends that I got to understand things better."
Aida Azin in Manila
It was in 2015 when she made a decision to go on a solo trip to the Philippines for the first time. Source: Aida Azin

Ang pagbuo ng isang community arts event

Pasasalamat ang nag-udyok kay Aida Azin na simulan ang isang kakaibang community arts event sa tulong ng mga kaibigang Pinoy na kanyang pinapunta sa Australya.

"It just started off by me saying I’d love to return the favour for the way they have shown hospitality to me everytime I am in the Philippines."

Ang pagnanais na ibalik ang pabor ay nagsilang sa isang proyekto na tinawag na 'Saluhan' na ang ibig sabihin ay makibahagi o magtipon.

Layon ng Saluhan na ibida ang pagkahilig ng mga Pinoy sa party, kaganapan, musika at sining habang nakikipagtulungan sa mga Pilipino at Australyanong mga artista.
Aida Azin
Saluhan aims to showcase the Filipino people's love for party, food, music and art. Source: Aida Azin

Diwa ng komunidad

Sinabi ni Aida Azin na bagaman naging hamon ang ilipad ang kanyang mga kaibigan mula sa Pilipinas, naging masaya naman siya sa suporta ng kanyang pamilya at kaibigan na tumulong upang maisagawa ang proyekto.

"The more I started talking about it to friends, the more it escalated and it kind of just have this noble effect of more and more people wanting to help. I think that’s the beauty of it. It just kinda connects with the name so well it’s like we are coming together."

Pakiramdam din niya ay maraming oportunidad na lalago ang nasabing kaganapan sa mga parating na taon.

"It’s not just isolated to visual arts or just to us showcasing a very cliché notion of a Philippine fiesta, it’s a little bit more authentic."

Nakikipagtulungan si Aida Azin sa iba't-ibang mga artista upang maisagawa ang tatlong magkahiwalay na kaganapan sa Adelaide, Melbourne at Pilipinas.

Ipinagmamalaki ang sariling lahi

Nagtapos ng fine art si Aida Azin ng may karangalan sa unibersidad ng South Australia noong 2017.

Patuloy niyang ibinabahagi ang kanyang pamana sa pamamagitan ng kanyang kasanayan at aktibong itinataguyod ang representasyon ng mga taong may kulay.

Nagsalita na din siya sa ilang mga talakayan ukol sa lahi, mga karansang diyaspora at ang papel ng mga kababaihang may kulay sa peminismo.


 
 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand