Regular na susuriin ang mga sasakyang pang-aliw sa Queensland, at sisimulan ang mga batas tungkol sa tinawag na industrial manslaughter, bilang sagot sa may namatay na aksidente sa Dreamworld noong nakaraang taon. Larawan: Pagbukas ng Dreamworld noong Disyembre 2016 (AAP)
Isang pangkalahatang pagsusuri sa mga batas sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho sa estado ang nagdala ng malubhang resulta na nauwi sa may 58 rekomendasyon, kasunod ng pagkamatay ng 40 tao noong nagdaang taon.
Kasama sa balak na pagbabago, ay 20-taong pagkabilanggo para sa mga pinuno ng kumpanya at milyun-milyong dolyar na multa para sa mga kumpanya kung may mamamatay kaugnay nito.
.
Share




