Idiniin ni Ministro ng Home Affairs Peter Dutton na wala siyang ginawang mali habang nagpapatuloy ang presyur sa mga paratang at alegasyon ng maling paggamit sa kanyang puwesto. Larawan: Ministro para sa Home Affairs Peter Dutton sa Question Time sa Mababang Kapulungan (AAP)
Nakayanan ni Dutton ang mga katanungan mula sa pampederal na Oposiyon pagkatapos ng kanyang galit sa Question Time ng parlamento at inakusahan niya ang isang dating ministro sa pagsasamantala sa mga mas batang miyembro ng kanyang upisina.
Share





