Highlights
- Maglalaan ng isang bilyong dolyar para sa Canberra Hospital
- Sisimulan ang pagpapatayo ng mga paaralan sa mga bagong suburbs sa ACT
- Bibigyang pansin din ang public housing para sa mga taga-Canberra na naapektuhan ng pandemya
Ayon kay Chief Minister Andrew Barr ng ACT, tama lamang na lagyan ng malaking budget ang sektor ng kalusugan lalo pa’t maguumpisa na ang rollout ng vaccine sa huling linggo ngayong buwan.
Bukod sa pagpapalawak ng information awareness drive para sa vaccine rollout, 1 bilyon naman ang inilaan na budget para sa expansion at improvement ng serbisyo ng Canberra Hospital.
Isa din ang public housing sa pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ni Barr ngayon taon. Dahil sa pandemya, ilan sa mga Canberrans na nawalan ng trabaho ang nahihirapan magbayad ng renta, kaya naman pinaplano ni Barr na magtalaga at magtayo pa ng public housing para sa mga apektadong Canberrans.