Key Points
- Nilagdaan nuong ika-20 Disyembre ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang 5.768 trillion pesos na national budget para sa 2024
- Kabilang sa top 10 na pinaglaanan ng malaking budget ay ang 900 bilyong piso para sa edukasyon, at ang 800 bilyong piso sa infrastracture, at social protection ng department of social welfare and development, kasama ang ayuda sa mga individuals in crisis program at ang bagong walang gutom program.
- May 10.2 bilyong piso na idinagdag na budget para sa defense cluster at kabilang sa paggugugulan nito ang pagbili sa tatlong barko para sa Philippine Coast Guard.
Sa ibang balita, kinilala ng Santo Papa ang limang Pilipino na nakikipagtulungan sa Caritas Manila.
Igagawad ang “Pro Ecclesia Et Pontifice” na nangangahulugang for the Church and Pope commendation kina Fernando Zobel de Ayala ng Ayala Corporation, Arnulfo Veridico ng Caritas Manila, Manuel Pangilinan ng Metro Pacific Investment Corporation, Ramon del Rosario Jr. ng Phinma at Maria Gonzalez Goolsby ng Unionbank.
Kinikilala ni Pope Francis ang kanilang outstanding and generous service to the church sa pamamagitan ng mga aktibidad at programa ng Caritas Manila sa mga nakalipas na taon.
Ang commendation ang pinakamataas na pagkilala o parangal na ibinibigay ng Santo Papa sa isang layperson.
Igagawad ang medalya sa isang ceremony sa Manila Cathedral sa Enero, 2024.