Walong katao, karamihan kabataan, ang namatay sa mabilisang pagbaha dulot ng ulan sa hilagang Mindanao at Zamboanga; Pagbiyahe sa dagat nananatiling suspendido kahit pa man wala na ang Low Pressure Area (LPA); mga opisyal ng siyudad ng Surigao inilikas ang mga residente sa isang komunidad pagkatapos matuklasan ang isang aktibong 500-kg na bomba mula WWII; bagong hirang na Hepe ng Western Mindanao Command ng Hukbong Sandatahan, Maj. Gen. Carlit Galvez, nangako na mag-pokus na sugpuin ang grupong Abu Sayyaf at Maute; at Sampung kandidato ng 2017 Miss Universe magususot ng mga gown na di-nisenyo ng mga tribong bagobo at Mandaya sa isang fashion show sa Davao.
Walo namatay sa biglaang pagbaha sa Mindanao
Mindanao News. Buod ng mga pinaka-huling ulat sa rehiyon hatid ni Allen Estabillo Larawan: Binibiyahe ng trak ng militar ang mga pasahero at manggagawa sa Cagayan de Oro City ( Mindanews/Froilan Gallardo)
Share



