Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Mga gawa ni Eisa Jocson

Eisa Jocson

Eisa Jocson Source: Anja Beutler

Ang kontemporaryong mananayaw at trendsetting performance artist Eisa Jocson ay abala nitong buong linggo habang siya ay magsasagawa ng isang performance lecture sa Art Gallery of New South Wales at isang workshop tungkol sa macho dancing sa Carriageworks.


Si Eisa Jocson ay nasa Sydney para sa Liveworks 2017, isang pista ng eksperimental na sining na gaganapin sa Carriageworks.

 

Sa ika-20 ng Oktubre, si Jocson ay magsasagawa ng isang workshop na nakabase sa pagtatanghal tungkol sa macho dancing, isang tunay na penomenon na Pilipino, na ginagawa ng mga kalalakihan sa mga night club. Sa pagtatanghal na ito, layunin niyang ihimayin ang bokabularyo ng paggalaw ng macho dancing.

 

Unang pagkakataong ipapakita ni Jocson ang kanyang pinakabagong gawa, ang Corponomy, sa ika-22 ng Oktubre. Ang Corponomy, ayon sa kanya, ay pinaghalong "korporal, katawan at ekonomiya" at isang pagsasaliksik sa katawan ng Pilipino bilang isang "pang-ekonomiyang katawan na nagta-trabaho".

 

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now