Kilalanin natin si Ellen Valenton, isang kilalang 'Folk artist' sa Australya na noo'y wala sa isipang siya'y makakapagpinta. Ngunit ng kanyang simulan ito, nagbukas ito ng mga pintuan sa kanya.
Nailathala ang kanyang mga ideya sa pagpipinta sa limang kilalang magasin na may kaugnayan sa 'Folk arts'. Nagpapatakbo rin siya ng 'art studio' sa loob ng dalawampu't tatlong taon sa North St Mary's at patuloy siyang nagtuturo sa mga may taglay na kagalingan at mga nangangarap na maging pintor.
Nagsimula sa 'Folk arts', ngayon ay pinapalawak niya rin ang kanyang galing sa iba pang klase ng sining at isa na nga diyan ang pagpipinta taun-taon ng kanyang nasaksihang mga 'display' ng ilaw sa 'Vivid Sydney'. Ang mga ipininta niya dito ay nakatawag ng interes at naging bahagi ng kanyang workshops.
Narito ang panayam ni Cybelle Diones kay Ginang Ellen Valenton.