Sa unang pagkakataon nagkaroon ng libreng Filipino Language School sa Gold Coast na programa ng Filipino Australian Performing Arts Ensemble katuwang ang Filipino Language Culture Association.
Key Points
- Nagtipon ang mga magulang, guro at volunteers sa Southport Community Centre para sa enrolment ng mga batang gustong matuto ng wikang Filipino.
- Higit 20 estudyante ang magiging bahagi ng libreng klase na magsisimula sa ika-2 ng Marso.
- Layunin ng proyekto na matulungan ang komunidad na mapanatili ang paggamit ng sariling wika at pagyamanin ang kulturang Pilipino sa Australia.
Share





