Christmas casual jobs naghihintay ngayong kapaskuhan

Christmas casuals

Source: Chih-Yuan Wu- Pexels

Ngayong school holidays at papalapit na ang Pasko, maraming trabaho ang naghihintay sa mga gustong kumita ng extra mula cleaning, dog walking hanggang fruit picking services.


Highlights
  • Alis at dating ang mga turista ngayon sa Queensland, matapos tuluyang buksan ang border nitong nakaraang linggo.
  • Maraming trabaho ang binuksan para sa mga nais kumita ngayong holiday season
  • Patok ang mga casual jobs sa mga nais makaipon ng panggastos sa darating na Pasko
Sa mga nanay na nais ng extra income ngayong bakasyon ang mga bata sa eskwela, nariyan ang cleaning jobs, pwede sa hotel o kaya ay sa mga bahay 20 hanggang 23 dollars kada oras. Sayang din kasi ang kikitaan pandagdag sa budget, pambili ng regalo o kaya pampadala sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas lalo at papalapit na ang Pasko.

Silipin din ang mga Filipino community groups at makikita ang mga job oppurtunities, lalo na sa mga kababayan nating may sariling negosyo, nariyang nangangailangan ng waiter, dish washer at mga panadero dahil malakas ngayon ang bentahan ng tinapay at cakes lalo sa bisperas ng Pasko.


 

 

Kikita ka naman ng 20 dollars hanggang 25 dollars bilang taga dala ng mga brochure sa mga mailbox.Kailangan may sariling sasakyan at insurance. Christmas casual naman ang hanap ngayon sa mga shopping center, bilang taga patas ng mga panindang damit at sapatos. Gayon din sa mga grocery stores dahil dagsa ang mga mamimili.

Kung mahilig ka naman sa hayop tulad ng aso, bakit hindi ito pagkakitaan, pwede kang mag applay bilang taga pag pakain at taga lakad ng aso, lalo at marami ngayon ang pamilyang magbabakasyon.

Pwede din ang mag-alaga ng bata, basta tiyakin na may police check, blue card, at kasanayan sa CPR.

Sa mga estudyante na nasa tamang edad, hiring ang mga hotel, restaurant, at tindahan ng mga school supplies, tiyak kikita ka dahil lagi kang may 20 hrs na trabaho sa isang linggo.

Dahil picking season ngayon, marami ang nag hahanap ng trabahador sa buong estado, nariyan ang taga pitas ng manga, avocado ibat ibang klase ng berries, taga bunot at pake ng sibuyas at bawang.

Ika nga dito sa Australia, hindi ka magugutom hindi ka mawawalan ng pera basta hindi mapili sa trabaho masipag at madiskarte.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand