Key Points
- Kabilang sa mga pagbabago sa kapaligiran kasunod ng pagputok ng bulkan ang pagkulay abo ng tubig sa mga ilog at falls sa La Castellana sa Negros Occidental at sa Canlaon City sa Negros Oriental.
- Hindi pa masabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLS kung hanggang kailan magtatagal ang lahar flow.
- Isinailalim na rin sa State of Calamity ang La Castellana at Canlaon City.
Sa ibang balita, itinuturing ng mas nakararaming Pilipino ang China bilang pinakamalaking banta sa Pilipinas. Sa survey ng OCTA Research group nitong Marso, 76 percent ang nagsabi ang China ang pinakamalaking banta sa bansa.
Mas mababa ito nang tatlong puntos kumpara sa naitala noong Disyembre, 2023.
Sumunod sa China ang Russia pero nasa 9 percent lamang ang tumukoy dito bilang banta sa Pilipinas.