Event producer sa umaga, outreach worker sa gabi

Source: SBS
Si Chito Javier ay isang volunteer broadcaster, talento ng boses para sa radyo SBS, tagapamahalang direktor ng Sandok production. Aktibo sa mga kaganapan at konsyerto bilang producer, direktor at stage manager, nagtatrabaho din siya bilang isang outreach worker sa Melbourne. Isang guro sa Pilipinas, lumipat siya sa Asutralya ng 1999 at simula noon nanirahan sa bansa. May nakikita siyang malalim na layunin sa kanyang trabaho bilang outreach worker at nakahanap ng kaligayahan sa paggawa ng mga konsyerto at kaganapan para sa komunidad ng mga Pilipino. Nakapagtrabaho na rin siya kasama ang mga malalaking mga artista sa Pilipinas tulad ni Leah Salonga ngunit mas nais niyang gumawa ng mga palabas para sa mga talentong Pinoy ng Melbourne. Si Chito ang ating guest host ngayong araw para sa episode ng SBS Filipino weekend edition.
Share



