Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa coronavirus

Coronavirus

Source: Getty Images/Tom Merton

Huwag magpapadala sa mga sabi-sabi online – ang opisyal na payo sa kung paano protektahan ang iyong sarili mula sa coronavirus ay simple at direkta.




Kasunod ng desisyon ng World Health Organisation na ideklara na ang coronavirus outbreak ay isang international emergency, naglabasan ang mga maling impormasyon tungkol sa naturang sakit.

 

Kung nais mong protektahan ang iyong sarili mula sa coronavirus, huwag umasa sa social media. Narito ang pinakabagong mga rekomendasyon ng mga eksperto sa kung paano maiwasan ang pagkalat ng sakit, at panatilihing ligtas ang iyong sarili.

Ano nga ba ang mga sintomas ng coronavirus?

Una sa lahat: kung nasa Australia ka, maaari kang makakuha ng up-to-date na impormasyon tungkol sa coronavirus at kung ano ang gagawin tungkol dito, sa website ng Department of Health. Maaari kang makahanap ng mas detalyadong impormasyon sa website ng gobyerno na Health Direct.

Ang mga sintomas ng coronavirus ay katulad ng mga sintomas ng trangkaso (flu), at kasama ang lagnat, pag-ubo o pagbahing, kahirapan sa paghinga, namamagang lalamunan, at pakiramdam ng pagka-pagod.

SI Dr. Nathalie MacDermott ay isang eksperto sa paediatric infectious diseases sa Kings College sa London. at ipinaliwanag niya kung ano ang coronavirus.

"So a coronavirus is a type of virus and it's named after its structure that looks a bit like a crown. It's an RNA virus. There are several different species of coronavirus around. We know that they can cause many common infections that we see, so minor respiratory illnesses and also hand, foot and mouth that we sometimes see in children when they get a rash on their mouth and on their hands and feet. Those are the common ones that we see here. But we also know that there are other ones that can be more severe, SARS which was a concern about 10 to 20 years ago."

Maaaring tumagal ng hanggang 14-na araw para sa mga sintomas na ito na lumitaw matapos na mahawaan ang isang tao, kung kaya, hinihikayat ng gobyerno ang sinuman na kamakailang nanggaling sa mainland China na ihiwalay o i-isolate ang kanilang sarili at manatili sa bahay sa loob ng 14 na araw.

Sa ilang mga kaso, ang coronavirus ay maaaring mauwi sa mas malubhang sintomas, tulad ng kahirapan sa paghinga o maging pneumonia.

Kasalukuyang ini-ulat ng World Health Organization na lumilitaw na ang mga matatanda at mga taong may umiiral na mga kondisyong medikal tulad ng diabetes at sakit sa puso ay maaaring maging mas mahina sa mga malubhang mga kaso ng coronavirus.

Paano kumakalat ang coronavirus?

Maraming mga bansa na ngayon ang nag-ulat ng mga kaso ng coronavirus na naisasalin mula sa isang tao patungo sa isang pang tao o 'yung tinatawag na person-to-person transmission.

Dahil ang kasalukuyang coronavirus ay isang bagong development, hindi pa rin lubos na nalalaman ang lahat tungkol sa kung paano ito kumakalat. Ayon sa US Center for Disease Control (CDC), ang kasalukuyang kaalaman ay batay sa nalalaman tungkol sa mga coronavirus na naranasan dati, tulad ng MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome).

Batay sa mga nalalaman tungkol sa mga nakaraang virus, naniniwala ang mga eksperto na ang kasalukuyang coronavirus ay naikakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets na makikita sa mga pag-ubo at pagbahing.

ANG medical researcher na si Dr. Christian Drosten ng Institute for Virology sa Charite hospital sa Berlin, at ang kanyang pangkat ay nakabuo ng unang diagnostic test para sa bagong viurs.

At sinabi niya na ang bagong tuklas na pathogen ay malapit na nauugnay sa SARS at maaaring maging kabilang sa parehong uri.

Iniulat ng CDC na hindi malinaw sa ngayon kung maaaring mahawa ng coronavirus sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay na naroon ang virus at pagkatapos ay ihahawak sa iyong mukha. Hindi pa rin malinaw kung ang sakit ay maaaring kumalat bago lumitaw ang mga sintomas.

Sa karamihan ng mga kaso sa ngayon, nahawa lamang ang mga tao sa coronavirus matapos ng malapitang kontak o close contact sa isang tao na mayroong virus.

Sa paglarawan ng website ng Health Direct, ang close contact ay harapan o face-to-face na paglalapit o paghaharap na hindi bababa sa 15 minuto o hindi bababa sa dalawang oras na parehong nasa saradong lugar kung nasaan ang taong na-infect na.
Paano nga ba mapo-protektahan ang sarili mula sa coronavirus?

Taliwas sa popular na paniniwala, ang pagsusuot ng face mask ay hindi inirerekomenda bilang paraan para maiwasan na mahawahan ng coronavirus.  Mas makakatulong para sa mga taong maysakit na magsuot ng face mask, para maiwasan ang pagkalat ng respiratory droplets.

Ang pinakabagong mga rekomendasyon sa pagprotekta sa iyong sarili mula sa coronavirus ay nakalista sa website Health Direct, at kasama dito ang regular na paghuhugas ng mga kamay, iwasan ang paghawak sa mukha kung hindi naghugas ng mga kamay, at iwasan ang malapit na makikiharap sa sinuma na nagpapakita ng sintomas ng sakit sa respiratoryo.

Basahin din:

Iminumungkahi din ng Pamahalaan na bisitahin ang Smartraveller website kung plano mong bumiyahe. Mula noong ika-2 ng Pebrero, nagbabala ang Pamahalaan sa mga Australyano na huwag bumiyahe patungong China, kung saan nagmula ang coronavirus.

Kung naghahanap ka ng up-to-date na payo sa pagprotekta sa iyong sarili mula sa coronavirus, hanapin ang website ng Health Department sa halip na umasa sa mga impormasyon na nagkalat sa social media. Sa nakaraang linggo, lumabas ang maraming pekeng social media post at mga sabi-sabi tungkol sa outbreak, na nagsasabi na dapat iwasan ng mga tao ang mga Chinese food at mga lugar kung saan maraming mga Chinese-Australians. Ang mga ito ay hindi opisyal na mga rekomendasyon.

Ano ang dapat gawin kung sa palagay mo'y mayroon ka ng sintomas ng coronavirus?

Kung nakakaranas ng mga malubhang sintomas tulad ng matinding kahirapan sa paghinga, tumawag ng triple zero (000). Kung ikaw ay bumiyahe kamakailan, ipaalam sa operator at sa paramedics.

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na hindi malala, ang Health Direct symptom checker ay makakatulong sa iyo na magpasya kung ano ang susunod na dapat mong gawin. Kung ikaw ay papunta sa iyong doktor o sa emergency room at kamakaila'y nanggaling ka sa China, tumawag muna para abisuhan ang doktor at ospital.

At sa anumang oras na nakakaranas ng mga sintomas na tulad ng trangkaso, iwasan na makahawa sa iba. Ibig sabihin, regular na maghugas ng mga kamay, manatili sa bahay at huwag gumamit ng pampublikong transportasyon, takpan ang iyong bibig kapag umuubo o bumabahin, at magsuot ng surgical mask kung talagang kailangan mong lumabas ng bahay.

Kung sa hinala ng iyong doktor na nalantad ka sa coronavirus, maaaring irekomenda sa'yo na ihiwalay o isolate ang iyong sarili. Ang sinumang nakasalamuha ng taong kumpirmadong may kaso ng coronavirus, at ang sinumang kamakailan ay nanggaling sa mainland China, ay dapat na isolate ang sarili at manatili sa bahay sa loob ng 14 na araw, kahit na wala silang mga sintomas.

Mayroong mas detalyadong ibig sabihin ang home isolation, ngunit sa madaling sabi, ito ay pananatili sa bahay, at iwasan ang pakikisalamuha sa ibang mga tao. Huwag umalis ng bahay maliban kung para sa medikal na pagpapasuri o pagpapatingin, at kung kailangang pumunta sa doktor para sa medikal na tulong, tumawag muna bago magpunta sa klinik o ospital, magsuot ng face mask at gumamit ng pribadong transportasyon.

Kung may ibang tao na nakatira sa iyong bahay, ihiwalay ang sarili at manatili sa isang silid na hindi sila kasama, at gumamit ng ibang banyo kung maaari. Huwag gumamit ng parehong mga plato, tasa, higaan o iba pang mga gamit, at hugasang maigi ang anumang bagay na iyong hinawakan pagkatapos mong gamitin. Magsuot ng surgical mask kapag ikaw ay nasa paligid ng iba pang mga tao, patuloy na takpan ang iyong bibig kapag umuubo at bumabahing, at hugasan nang regular ang iyong mga kamay.

Gaano tayo dapat na mabahala tungkol sa coronavirus?

Nitorng nagdaang katapusan ng linggo, idineklara ng World Health Organisation ang coronavirus na isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).

Iyon ay isang seryosong kaganapan, at madaling makaramdam ng panic matapos na marinig ang tungkol sa mga pagkamatay na dulot ng coronavirus sa ngayon. Ngunit para mapanatiling nasa tamang mga pananaw ang mga bagay-bagay, may ilang mahahalagang bagay na dapat maunawaan.

Noong ika-5 ng Pebrero, iniulat ng World Health Organisation na mayroong 20,700 kumpirmadong kaso ng coronavirus sa buong mundo (malaking bilang nito, 20,500, ay nasa China).  

Sa 20,500 na kaso na nasa Tsina, 2,296 ang itinuturing na malubha, at mayroong 425 na pagkamatay base sa tala nitong ika-5 ng Pebrero.

Basahin din:

Iyon ay nakakabahala, ngunit malinaw din na ang karamihan sa mga kaso ng coronavirus ay hindi nauuwi sa kamatayan - ang antas ng bilang ng pagkamatay na dulot ng virus sa kasalukuyan ay lumilitaw na nasa pagitan ng 2 at 3 porsyento.

Iyon ay mas mababa kaysa sa antas ng pagkamatay para sa SARS coronavirus noong 2002-3, na nakakita ng 8,098 na mga kaso na nagresulta sa 774 na pagkamatay (isang antas ng pagkamatay na 9.6 porsyento).

Sa ngayon, ang mga eksperto tulad ni Propesor Raina MacIntyre, isang Propesor ng Global Biosecurity sa UNSW, ay nagsabi na ang mga Australyano ay hindi kailangang mag-alala, dahil mayroon lamang 13 na kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Australia, at walang pagkamatay (ayon sa ulat nitong Pebrero 4).

"At this stage we don't need to be worried because it's not widespread in the community," pahayag ni Professor MacIntyre sa The Feed.

"The concern is that it's continuing to grow in China, and several experts are saying it's likely to become a pandemic. But it doesn't necessarily have to become a pandemic -- it didn't with SARS -- so we still need to focus on measures that will delay or prevent its spread in Australia."

"The longer we delay it, the closer we get to a vaccine."

Kung ang coronavirus ay maging isang pandemic (isang epidemya na kumakalat sa maraming mga kontinente), ang epekto ay mas matindin, babala ni Propesor MacIntyre.

"A case fatality rate of three percent and being highly contagious is a concern. If it's widespread, the number of seriously ill people we'll see will overwhelm our health system."

Ang bilang ng mga kaso ng pagkamatay ay tatlong porsyento na mas mataas kaysa sa pana-panahong trangkaso, halimbawa, na nasa 0.1 porsyento. Noong 2019, ang trangkaso ay pumatay sa hindi bababa sa 430 na mga Australyano.

 

Ang panganib na ito ay naglalarawan kung bakit marapat lamang na seryosohin ang coronavirus, ngunit hindi rin dapat maging isang dahilan para sa hindi kinakailangang alarma. Sa ngayon, napakakaunting mga kaso sa Australia, at ang prayoridad ay panatilihin ito sa ganoong paraan.

Tulad ng trangkaso, ang pinakamahusay na gawin ng isang average na tao ay ang manatili sa bahay kung maysakit, bantayan ang kanilang mga sintomas, at sundin ang mga payo na ibinahagi ng Department of Health.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa coronavirus | SBS Filipino