Si Said Imasi ay nasa detensyon sa Australya mula taong 2010.
Umaasa ang mga abogado na kumikilos sa ngalan ni Ginoong Imasi na maaari nilang gamitin ang kanyang kaso upang hamunin ang isang mahalagang pasya ng Mataas na Hukuman na kanilang sinasabi na tumutulong na mapanatili ang mga taong walang bansa o estado sa detensyon ng Australia nang walang katiyakan.