Key Points
- Inanunsyo ng pamahalaang pederal na magbibigay sila ng $3 milyon na pondo para sa programa na maglalayong mas malawakan ang pag-unawa sa karahasan at pang-aabuso.
- Nakikita ang programa bilang mahalaga para sa mga pinuno ng komunidad at faith leaders.
- Sa Australia, isang babae kada linggo ang pinapatay ng kanyang kasalukuyan o dating kasintahan - samantalang 2 sa 5 na babae ang nakaranas ng karahasan mula pa noong edad na 15.
Kung ikaw mismo o ikaw ay may kilala na nais makipag-usap tungkol sa karahasan sa pamilya o domestic violence, tumawag sa 1800RESPECT o 1800 737 732 o tumawag sa Lifeline sa 13 11 14.