Mahigit na isang taon, pagkatapos mawala ang kanilang anak ng walang ano mang palatandaan, isang pamilyang taga-Melbourne ang nagpapatuloy umasa, na buhay pa ang kanilang anak. Larawan: Litrato ng mga nawawalang tao sa Australya (AAP)
Si Tej Chitnis ay huling nakita, habang papa-alis sa kanilang tahanan, noong Abril ng taong 2016. Kasama siya sa tinatayang dalawang libong taong nakalista, bilang nawawala ng matagal sa Australya, na nag-iiwan sa mga pamilya, upang patuloy na naghahanap ng kasagutan.
Share