Sinagot ng FIFA president Gianni Infantino ang pangmundong tawag na makatanggap ng pantay na bayad sa FIFA World Cup ang mga kababaihang footballer sa pamamagitan ng pag-anunsyo na ang isang bilyong dolyar ay ipupuhunan sa laro ng mga kababihan sa susunod na apat na taon mula limang daang milyong dolyar.
Ngunit bente kwatro oras pagkatapos ng anunsyo ipinunto ng US captain na si Megan Rapinoe na ang mga lalaki ay makakatanggap ng apat na daan apatnapung milyong dolyar na premyo sa susunod na World Cup sa 2022, mas mahigit sa animnapung milyong premyo na inanunsyo para sa mga babae.


