Halalan 2022: Paano makakaboto ng mas maaga

Postal Vote Counting In Marginal Seat Of Hasluck Continues

Postal Vote Counting In Marginal Seat Of Hasluck 2010 Source: Getty Images AsiaPac

Sa ika-21 ng Mayo na ang eleksyon sa Australia. Pero marami ang hindi na makakahintay at balak ihulog ang kanilang balota ng mas maaga.


Highlights
  • Ang maagang pagboto at maaring gawin ng personal sa mga pre-poll voting centre o kaya naman ay ipadala bilang postal vote.
  • Ang Pre-poll at postal votes ay pwede rin I-lodge ng kaibigan o kaanak na nakatira sa ibang division o walong kilometro mula sa poling station Kung hindi makakapunta ang botante dahil sa trabaho.
  • Maaring isagawa ang maagang pagboto, dalawang linggo bago ang itinakdang petsa ng halalan.
Kahit may umiiral pa ring COVID19 restrictions, maaring mangampanya ng harapan ang mga kandidato at makapag host ng mga events.

Ang mga 'meet and greets', pa-picture at selfie at mga pakikipag-talakayan ay ilan sa diakarte ng mga pulitiko para mapansin ng media at publiko.
 
Ayon kay Evan Ekin-Smyth ng Australian Electoral Commission, hindi pa malinaw kung sino ang naoupusuan ng mga mamamayan at kung gaano kaaga nilang ihuhulog ang kanilang mga balota.

"It's an in-person community event after all. But early voting specifically, has been rising in pretty much any jurisdiction around the world that offers it.  From election to election over the last ten or 15 years but perhaps not as much as people might expect it."


 

Ilan pa sa dahilan na pinapayagan para ipaubaya sa iba ang paghulog ng balota at pagboto ng maaga ay ang mga gawaing panrelihiyon, pagkakakulong o kung may banta sa iyong seguridad kaya hindi makakapunta sa poling center ganun din ang mga medical conditions at pagbubuntis.

Pero ayon sa Adjunct Research Fellow ng La Trobe University na si Ian Tulloch
maaring mabago ng maagang pagboto ang dynamics ng kampanya sa federal election.
 
"In the past, I'd say 20 years ago before early polling, the major parties would often make a major announcement in the last week of the campaign to try to tick over those last few votes, now they really have to make those announcements before early polling start."
 
Maaring isagawa ang maagang pagboto, dalawang linggo bago ang itinakdang petsa ng Halalan.
Para sa dagdag na impormasyon, magtungo lang sa Australian Election Commission website.
 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand