Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Australian federal police haven't confirmed whether threats made against a Liberal candidate are being investigated after Katherine Deves spoke exclusively to SBS News. It's believed the Warringah hopeful spoke to New South Wales police and her complaints have been passed onto the A-F-P in the wake of the trans debate.
SBS Filipino
25/04/202204:04
Advertisement
Matapos ang umano’y banta sa kanyang buhay, sa unang pagkakataon nagpa-unlak ng panayam sa SBS News si Liberal candidate Katherine Deves sa isang sikretong lugar nitong Linggo. Ito’y tungkol sa kontrobersyal na transgender na comment nito sa social media.
"My safety has been threatened. My family is away out of Sydney because I don't want them to witness what I am going through and nor do I want their safety put at risk."
Highlights
- Pinili ni Prime Minister Scott Morrison si Ms Katherine Deves para lumaban sa isang pwesto sa Sydney sa darating na Mayo 21 na halalan.
- Ang post ni Ms Deves tungkol sa mga transgender ay nagdulot ng kontrobersya at humantong sa matinding pambabatikos mula sa publiko
- May itinatag na federal police taskforce ang gobyerno para tumutok sa mga kremin na may kaugnayan sa eleksyon kabilang dito ang banta sa MP's at kandidato
Sa pagkakataong ito, humingi ng paumanhin si Ms Deves para sa kanyang tinanggal na ngayon na mga post sa social media na may kasamang komento tungkol sa paglobby nito upang pigilin ang mga transgender athlete na makilhok sa pambabaeng sports at ang aksyon ito ay inihahalintulad sa pakikipag-laban ng mga Nazi noong panahon ng Holocaust.
Ang komento ni Ms Deves ay hindi sinang-ayunan ni Australian Jewish Association President David Adler sa panayam sa SBS News sinabi nito, hindi naaangkop na gamitin ang pangyayari sa Holocaust para lang gumawa ng ingay sa pulitika.
"Ginawa na nya ang unang hakbang na humingi ng tawad at tanggalin ang mga komento sa social media. Ngayon inanyayahan namin sya na bumisita sa Sydney Holocaust museum para personal na makita ang mga survivor."
Mismong si Prime Minister Scott Morrison ang pumili kay Ms Deves para lumaban sa isang pwesto dito sa Sydney sa halalan sa Mayo 21.
Samantala, inakusahan naman ng karibal nito sa pulitika sa Warringah na si Independent candidate Zali Steggall si Prime Minister Morrison ng paglikha ng dibisyon.
"Ibinabalik ko kay Scott Morrison ang isyung ito. Hindi maganda, bastos ang motibo kaya dapat hindi i-endorso ang kandidatong ito."
Ngunit ng subukang kuhanan ng pahayag ng SBS News sa Anzac Day tungkol sa pinakabago mula kay Ms Deves at sa kanyang mga pahayag, tikum na ang bibig ng punong ministro.
Napag-alamang nitong weekend sinabi umano ni Prime Minister Morrison sa media na kinilala na ni Ms Deves na kailangan ng mas sensitibong diskarte ang sitwasyon at sinuportahan naman nito para maipahayag ang kanyang pananaw.
Matapos ang kontrobersyal na komento ni Ms Deves nag-ingay na din ang komunidad ng mga transgender, lalo tinawag nito mga transgender na mga operada na humantong sa matinding pambabatikos ng publiko.
Ayon kay Transgender woman Holly Hazlewood nasaktan sila ng lubos sa mga pahayag ni Ms Deves.
"Malinaw na ang ilan sa mga patakaran at mga pinag-iisip ni Ms Deves sa nakaraan ay mali at hindi makatarungan lalo na sa pahayag nito laban sa transgender community."
Habang nagkakainitan ang dalawang kampo, sabi ni Labor Deputy Leader Richard Marles ano man ang nangyari walang dapat makompromiso na kaligtasan ninuman.
"Hayaan ko munang sabihin na walang sinumang nasa public service ang dapat magtiis ng mga banta sa buhay. Lubos itong hindi katanggap-tanggap."
Hanggang ngayon tikom pa din ang bibig ng Australian Federal Police kung naimbestigahan na ang insidente.
Subalit, sabi ni Ms Deves na nakipag-ugnayan na ito sa New South Wales Police tungkol sa natanggap na banta at ipinasa umano ang kanyang kaso sa federal police. Nauna nang sinabi ng NSW Police wala silang natanggap na ulat sa anumang banta.
Subalit may itinalagang federal police taskforce na nakatutok sa krimen na may kaugnayan sa eleksyon, kabilang dito ang mga banta sa MP’s at mga kandidato.