Fiesta Kultura sa NSW, muling dinagsa matapos ang dalawang taon na pahinga dahil sa pandemya

(L-R) Carbone, Hughes, Mallard, Flores, VM Dai Le.jpg

Fiesta Kultura in Sydney ribbon-cutting with local and state leaders. Credit: JAMES C. PACKER

Alamin ang mga masayang kaganapan sa idinaos na Fiesta Kultura sa Sydney Fairfield Showground nitong Linggo.


Key Points
  • Ang ika-tatlumpu’t dalawang taon na pagdiriwang ng Sydney Grand Philippine Fiesta Kultura ay may temang “strengthening together.”
  • Ibinibida ang makulay at mayaman na kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kasuotan, pagkain, at mga pagtatanghal.
  • Dinaluhan ang Fiesta Kultura ng mga local at state leaders.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Muling idinaos ang Fiesta Kultura sa Sydney Fairfield Showground matapos ang dalawang taon na pagpapahinga dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil sa paghihigpit ng mga alituntunin para maiwasan ang pagkalat ng virus, hindi muna isinagawa ang sana’y taunang Filipino Grand Culture Fiesta o mas kilala sa tawag na Fiesta Kultura.

Kaya naman mas dinagsa ito ngayong taon dahil ang mga Pinoy sa Australya ay sabik na muling maranasan ang masayang pagtitipon na ito, kung saan ibinibida ang makulay at mayaman na kultura ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kasuotan, pagkain, at mga pagtatanghal.
IMGP2280_DxO.jpg
Fiesta Kultura in Sydney 2022 Credit: JAMES C. PACKER
Dinaluhan ito ng mga local at state leaders kagaya na lamang nina Senator Hollie Hughes, Fairfield City Council Mayor Frank Carbone, ang kaniyang deputy mayor Dai Le, Fairfield councilor Carol Israel, member for Blacktown City Council in Parliament na si Stephen Bali, Member of the Legislative Council at Parliamentary Secretary for Western Sydney Shayne Mallard.

Dumalo din ang kinatawan ng Philippine Consulate General na sina Consul Emmanuel de Guzman at Consul Melanie Diano gayundin ang mga miyembro at board of directors ng Philippine Australian Sports and Culture Inc o PASCI, sa pangunguna ng kasalukuyang presidente ng organisasyon na si Marivic Ayap-Flores.
IMGP2406_DxO.jpg
Local and state leaders attended the Fiesta Kultura in Sydney 2022 Credit: JAMES C. PACKER
Sa mensahe ni Mayor Frank Carbone, kinilala niya ulit ang malaking kontribusyon ng mga Pilipino sa Australya at sa kahit saang panig ng mundo pa sila mapadpad.

"Since 1872 when the first Filipino came to this country along with other migrants, the Filipino community has made a wonderful contribution to who we are today," lahad ni Mayor Carbone.
Mayor Frank Carbone.jpg
Mayor Frank Carbone Credit: JAMES C. PACKER
Bilang isang Pilipino, inihayag ni Consul Emmanuel De Guzman ang kaniyang kagalakan na personal na masaksihan ang nasabing pagdiriwang.

Kinuha rin niya itong oportunidad na hikayatin ang kapwa Pilipino na makipagtulungan upang mas palakasin ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australya.
There’s a great opportunity to make the Filipino community thrive, to raise the Philippine profile and to strengthen the Philippine-Australia friendship.
Consul Emmanuel De Guzman, Philippine Consulate General in Sydney
Consul Emmanuel De Guzman.jpg
Consul Emmanuel De Guzman, Philippine Consulate General in Sydney Credit: JAMES C. PACKER
Humanga naman si Senator Hollie Hughes sa kakayahan ng mga Pilipino na mag organisa ng malaking pagdiriwang sa gitna ng pandemya.

“We recognise New South Wales has the largest population [[of Filipino-Australians]] so as Senator of New South Wales, it's a pleasure to be here, we might have to keep working it on together to make sure that we can keep growing this festival." saad ni Senator Hughes.
Sen Hollie Hughes.jpg
Sen. Hollie Hughes Credit: JAMES C. PACKER
Hindi naman nakalimutan ni Parliamentary Secretary Shayne Mallard na banggitin ang kasipagan ng mga Pilipino na mas lalong napansin sa mahigit dalawang taon na pandemya.

Sa talumpati nito, sinabi niya na ang "Filipino community carried responsibility during these 2 years of the covid pandemic. Thank you for working in a difficult time but now, we draw a line before that and we’re moving forward"
Shayne Mallard.JPG
Parliamentary Secretary Shayne Mallard Credit: JAMES C. PACKER
Bukod sa mga panauhing pandangal ay kasama rin sa pagdiriwang ang team SBS Filipino na naghatid ng saya at pagtatanghal sa entablado. Pinalakpakan ang mga performances nina Jeremiah Reyllo at Jojo Sebastian.

Nakipagkulitan din ang mga manonood na sumali sa mga palaro nina Papa Dan at Edinel Magtibay na tongue twister challenge at dating game para sa kanilang programa na Love Down Under.
Dating Game.jpg
SBS Filipino matchmaking game with (from left) Searchee Eman and hosts Edinel Magtibay and Papa Dan. Credit: JAMES C. PACKER
Dinagsa ang booth ng SBS Radio na nagbigay ng oportunidad na maranasan ang pagiging newscaster sa paraan ng news reading challenge.

Natuwa ang mga sumali dahil maliban sa tsansang makapag balita ala brodkaster ay nabigyan din sila ng mga iba’t ibang freebies mula sa SBS.
IMGP2432_DxO.jpg
SBS Filipino booth in Fiesta Kultura in Sydney 2022. Credit: JAMES C. PACKER
Ang ika tatlumpu’t dalawang taon na pagdiriwang ng Sydney Grand Philippine Fiesta Kultura ay may temang “strengthening together”.

Ito rin ang binigyang diin ng PASCI president Marivic Flores kung saan niya paulit ulit na sinabi na ang mga Pilipino ay “stronger together”.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand