Napili ang Filipino-Australian na si Bevan Calvert na gawaran ng Premier’s Multicultural Community Medal for Sports.
Ang husay at patuloy na pagpapakilala ng larong handball sa mundo ang nagdala kay Bevan sa tagumpay.
Isa syang inspirasyon sa maraming kabataan at atleta.
Highlights
- Ang Sports Medal ay iginagawad para kilalanin ang mga taong may malaking impluwensya sa pagtataguyod ng sports sa iba't ibang kultura
- Ang handball ay isang team sports na popular sa Europe.
- Bahagi si Bevan ngayon ng koponan na THW Kiel sa Germany
Si Bevan ay naging team captain ng Australia men’s handball team at kinilala rin noong 2012 bilang Handball Ambassador ni dating Australian Prime Minister Julia Gillard.
Naging pambato din sya ng bansa sa limang world championship. Ngayon ay naglalaro si Bevan sa koponan na THW Kiel sa Germany.
Ginanap noong Sabado ng gabi sa Premier’s Harmony Dinner sa NSW ang pagpaprangal sa mga taong nagbigay ng mahalagang ambag sa pagtataguyod ng lipunan sa ibat ibang larangan.
Ang proud mum na si Violi Calvert na kilala ring aktibo sa mga gawaing pang-komunidad, writer at radio broadcaster ang tumanggap ng parangal.

Violi Calvert receives the medal on behalf of her son, Bevan Calvert Source: Multicultural NSW



