Dahil na rin sa marami sa kanyang mga tagahanga na nakabase sa Pilipinas, nagpasya ang batang Filipino-Australian artist na subukan ang kanyang kapalaran sa bansang pinagmulan ng kanyang ina noong nakaraang taon. At sa nakaraang 15 buwan, si Jasmine ay naging abala sa Pilipinas sa mga lokal na palabas at pagmomodelo para sa maraming mga tatak ng damit at gamit.
Ang 15-taong-gulang na artist, na kamakaila'y umuwi ng Sydney upang maging bahagi ng very RGathercole Show Filipino international fashion designer na si Rocky Gathercole na ginanap noong ika-7 ng Hulyo sa Sydney, ay naglabas din ng kanyang music video ng kanyang single na "Mahal Ko Ang Aking Pangarap" na komposisyon at isinulat ni Annabelle Regalado-Borja.
Panoorin ang bideyo sa ibaba habang inaawit ni Jasmine Henry ang kanyang bagong awitin na "Mahal Ko ang Aking Pangarap":
Ang pinakabagong kanta ni Jasmine ay tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang pangarap at ang pag-abot sa pangarap na iyon. Ang kanyang interpretasyon sa naturang awit ay naaangkop sa kanya habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang paglalakbay patungo sa pagsasakatuparan ng kanyang pinakahihintay na pangarap na ilabas ang kanyang sariling mga awit at ibahagi ito sa publiko.
Si Annabelle Regalado-Borja ng E-Talent International, na namamahala kay Jasmine, ay nagbabahagi ng kanyang kasiyahan sa pakikipagtulungan kay Jasmine at kung ano ang inaasahan niya para sa batang talento.
Napakarami pa ang maaaring mangyari para sa dalaga at tulad ng kanyang sinabi, ang kanyang pinakabagong awitin ay naaayon sa kanya dahil ito ay tungkol sa kanyang pag-abot sa kanyang pangarap, "it is about pursuing what your heart calls for, my dream. And I feel that it ('Mahal ko ang aking Pangarap') matches me perfectly because I have such a big dream and I am on such a large journey and the song represents me and how much I love my dream... It's perfect not only for me but for my listeners also to inspire them and to get them to love their dream and follow their dreams."

Jasmine Henry with E-Talent International manager Annabelle Regalado-Borja (SBS Filipino) Source: SBS Filipino

Jasmine Henry (SBS Filipino) Source: SBS Filipino