Fil-Oz dance group nasa misyon upang panatilihing buhay ang mga Pilipinong sayaw

Fil-Oz Dance Group

The Fil-Oz Dance Group Source: C. Diones

Ang mga Pilipinong tradisyunal na sayaw ay dapat na panatilihing buhay sa Australya. Sa pagsisikap na mahikayat ang mga batang henerasyon ng Pilipino-Australyano upang yakapin ang mga sayaw na tunay na ‘pinoy,’ kinausap ng SBS Filipino ang walong miyembro ng ‘Fil-Oz dance group;’ inilarawan nila ang mga sayaw na ito, ipinaalam kung paanong ang mga kwento sa likod nito ay naipapakita sa galaw ng katawan at kung bakit dapat hindi natin kalimutan ito kahit na anong mangyari. Larawan: Ang Fil-Oz dance group (C. Diones)


Ang grupo ay kinabibilangan ni Carmelita ‘Carmen’ Fraser (ang pinuno), Linda Price, Zeny Hollebone, Corazon ‘Cora’ Paras, Nora Howell, Dorothy Blanco (ang pinakabata sa grupo), Alma Middlebrook at Juliet Byrne.

Ipinaalam sa atin ni Linda na mayroong ugnayan sa pagitan ng paggalaw ng isang sayaw at kultura ng isang probinsya. Lumaki sa hilagang bahagi ng Luzon, ginamit na halimbawa ni Linda ang ‘La Jota Cagayana;’ ayon sa kanya, ang magiliw na pagkilos sa sayaw na ito ay sinasalamin ang kultura ng Cagayan. Dinagdag naman ni Zeny ang ‘Polka sa Nayon,’ isang karaniwang sayaw sa rehiyong Tagalog, na sinasalamin ang ligawan sa pagitan ng babae at lalake.
'Bakya Dance'
All smiles for the 'bakya' dance Source: Carmen Fraser
Tinanong ng SBS Filipino ang grupo kung paano nila ilalarawan ang tradisyunal na Pilipinong sayaw at maraming pagsasalarawan ang naisip; ito ay matapat, masaya, romantiko, nagsasabi ng kuwento, makahulugan at mahinhin. Inihalintulad naman ito ni Zeny kay Maria Clara at Andres Bonifacio.

Ang grupo ay mapamaraan din kung saan karamihan ng kanilang lumang kasuotan ay binabago na lamang o kaya’y ‘mix and match,’ na ginagawa ni Carmen, guro sa sayaw at tagadisenyo ng mga damit ng Fil-Oz. Ayon sa kanya, isa itong misyon para sa kanila (sa kabila ng kakulangan sa pondo) para maitaguyod ang kultura ng Pilipinas.

Sinuportahan naman ito ni Cora at hiningi ang pakikilahok ng mga kabataan. Ayon sa kanya, dapat nilang ipakilala ang mga ito sa kultura ng Pilipinas para matutunan nila ang kagandahan nito. Dinagdag naman ni Zeny na kanyang hinihikayat ang mga kabataan sa pamamagitan ng paglapit sa mga magulang nito at pagpapakita sa mga ito ng kanilang mga larawan sa kanilang pagsasayaw.  Sa kabila nito, tila hindi pa rin napapansin ang kanilang panawagan.
Liverpool Centenary Celebration
Carmen Fraser and her dance group for the Liverpool Centenary Celebration Source: Carmen Fraser
Kaugnay nito kaya itinanong ng SBS Filipino ang dalawang pinakabatang miyembro ng Fil-Oz kung bakit nila piniling maging bahagi ng grupo (sa pagsisikap na rin na maengganyo ang mga batang Pilipino-Australyanong tagapakinig sa benepisyo ng pag-aaral ng mga sayaw Pilipino). Ibinahagi ni Alma na ang pagsasayaw kasama ang mga nakatatandang miyembro ay binibigyan ang mga sayaw ng kahulugan  habang si Dorothy naman ay nakikita itong paraan para sagutin ang kanyang kuryusidad  hinggil sa sayaw Pilipino.

Si Dorothy ang pinakabatang miyembro ng grupo at ipinalaki sa Australya. Sinabi niya sa SBS Filipino na handa siyang hanapin ang Pilipinong sayaw na magiging interesado siya at ituro ito sa mga kabataan sa kanyang pagtanda.

Mabubuti ang salita ng mga miyembro ng grupo para sa isa’t isa. Binigyang-pansin ni Juliet ang kahalagahan ng pagbibigay galang sa pinuno habang sina Zeny at Cora ay binigyang-pansin ang magagandang katangian ni Carmen; siya ay tapat at mahusay na tagapakinig.

Sa ikalawang bahagi ng panayam, hiningan ang mga miyembro ng personal na sagot sa mga tanong na may kaugnayan sa tradisyunal na mga sayaw ng Pilipino (Maaari mong pakinggan ito sa pagpindot ng ‘play’ sa pinakataas na larawan).
Santacruzan
Dance performance during Santacruzan Source: Carmen Fraser
Nagbigay si Carmen ng huling mensahe sa komunidad; hinihikayat niya ang mga magulang na ituro sa mga kabataan ang kanilang pinagmulan at ang kasaysayan ng Pilipinas. Para sa kanya, ito ang paraan para maipasa ang tradisyon at kultura ng ating bansa sa mga kabataang Pilipino-Australyano.

 Maaari mong mapanuod ang Fil-Oz dance group sa kanilang pagtatanghal sa Santacruzan,pagdiriwang ngPhilippine Independence Day’ at ‘Senior’s week.’ 

Pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang pagtatanghal

Dance performance
Dance performance during the Liverpool Centenary Celebration 1 Source: Carmen Fraser
Dance performance
Dance performance during the Liverpool Centenary Celebration 2 Source: Carmen Fraser
Dance performance
Dance performance during the Liverpool Centenary Celebration 3 Source: Carmen Fraser


 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand