Highlights
- Nagsimula sa limang katao ngayon ay may 24 na miyembro na ang aktibong naglalaro tuwing araw ng Linggo
- Bukas ang grupo para sa kapwa babae at lalaki naglalaro ng volleyball.
- Lahat ay welcome na maglaro, mula beginner hangang sa bihasa na maglaro ng volleyball
Layunin ng Filipino Volleyball Club mabigyan ng oportunidad ang mga Pinay na makapag-laro tuwing weekend tulad ng mga Pinoy na naglalaro ng basketball.
"Pinapanood ng mga babae maglaro ng basketball ang asawa nila, naisip ko walang oportunidad para sa mga Pinay o babae na maglaro kaya hiningi ko ang tulong ng Filipino Ballers Club na bumuo ng grupo para kami ay makapag-volleyball' - Maybeline Ong Poon, Filipino Volleyball Club