Ang Balik Bayan (7 Setyembre - 2 Nobyembre 2017), ay isang proyekto na binubuo ng iba't ibang porma ng sining at pagdiriwang ng komunidad na babago sa sentro at isang lugar kung saan magsasama-sama ang mga tao para iba't ibang kontmeporaryong porma ng sining: bideyo, instalasyon, mga ipininta, pagtatanghal, pelikula, pakikibahagi ng komunidad at mga kaganapang tampok ang mga lokal at internasyonal na alagad ng sining na may ninunong Pilipino.
Ang Bayanihan Philippine Art Project, na binuksan sa Art Gallery ng NSW noong Hunyo, at itinatampok sa anim na pangunahing kultural na institusyon ng Sydney - ang Art Gallery ng NSW, Blacktown Arts Center, Campbelltown Arts Center, Mosman Art Gallery, Peacock Gallery (Auburn), at Museums & Galleries of NSW - ay nagpapakita ng isang programa ng iba't ibang kontemporaryong sining at kultura na nakasanayan sa Pilipinas.
Ibinahagi ni Paschal Berry, program coordinator ng Blacktown Arts Center, ang mga detalye ng kaganapan na Balik Bayan.
------------