Si Louisa Parkinson ay nagbubuhos ng kanyang oras sa pag-aaral sa isang sakit na matatagpuan sa mga punlang abokado, at layunin niyang makatulong sa mga nagtatanim ng mga abokado sa Australya at sa buong mundo.
Kilalanin sa ating Galing ng Pinoy-Aussie, si Louisa, ang isa sa mukha ng kampanyang 'Create Change' ng University of Queensland, na-imbitahang i-presinta ang kanyang pananaliksik hinggil sa abokado sa ginawang 8th World Avocado Congress sa Lima, Peru noong Setyembre 2015.
Si Louisa ay nagta-trabaho ngayon bilang principal scientist (sa Plant Pathology) sa Biosecurity Queensland, Department of Agriculture and Fisheries sa Queensland.