Si Charles Diesta ay ang dux sa kanilang Year 10 Class habang si Geff Lombardo ay napiling makibahagi sa isang leadership program na takdang maglakbay patungong Tsina sa taon ito. Ang dalawang kabataan ay bahagi ng isang pilot program pinangangasiwaan ng Australia Filipino Community Services (AFCS) nagbibigay pansin sa mga kabataan ng komunidad, ginagabayan maging mahusay na lider habang tinutulungan ang ibang mga kabataan ng komunidad na mag adjust sa buhay sa Australya habang patuloy na hinihikayat na ipagpatuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga kultura at tradisyong Pilipino.
Pakinggan ang talakayan kasama sina Geff Lombardo, Charles Diesta at Norminda Villanueva Forteza from AFCS.