Mga kababayan sa Queensland umaaray sa pagbawas sa JobKeeper payment

JobKeeper payment, coronavirus, ATO,

JobKeeper payments have been reduced since 28th September 2020 Source: Getty Images/recep-bg

Iniinda ng ilang mga kababayan sa Queensland ang kaltas sa ayudang binibigay ng gobyerno para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic. Simula kasi nuong ika-28 ng Setyembre, kalahati na lang ng allowance ang ibibigay, kumporme sa employment status.


Highlights
  • Simula Setyembre 28, nabawasan na ang ayuda na ibinibigay ng gobyerno.
  • Todo tipid si Lucy para lamang mapagkasya ang pera para sa mga iba't-ibang bayarin.
  • Hinihikayat ng gobyerno ang publiko na maghanap ng ibang pagkakakitaan.
Kamot-ulo ngayon ang 65-anyos na si Lucy na nagtatrabaho bilang laundry attendant sa isang hotel resort. Hindi niya kasi alam kung paano pagkakasyahin ang pondo sa dami ng gastusin lalo na’t $375 nalang ang natatanggap kada dalawang linggo mula sa dating $750.

 

Tipid muna sa paggastos

Kung dati, malimit siyang makapagpadala ng pera sa Pilipinas ngayon bihira na, hindi na rin aniya siya makaipon.

Malaking problema ngayon ay kung paano pagkakasyahin para sa mga bayarin.

$125 na lamang ang natitira sa kanyang sweldo dahil ang 250 dollars ay pambayad na lamang sa bahay kada linggo. 

Hindi tulad sa Pilipinas na buwanan ang upa sa bahay dito kada isa linggo. Paano pa ang kanyang grocery, bayad sa ilaw at tubig.

Idagdag pa ang pamasahe sa bus, wala kasi siyang sasakyan dahil hindi naman siya marunong mag maneho.

JobSeeker payment at coronavirus supplement

Bawas na rin ang benipisyo ng may Jobseeker. Kung dati ay nasa $1,300 ang natatangap, ngayon nasa $550 na lamang.

Ang dating $550 na coronavirus supplement, ibinaba ng $250. Habang ang youth allowance para sa JobSeeker ay ibinaba ng $300. Kaya’t sa kabuuan, nasa 550 dollars na lang ang maaaring makuha.

Ibang pagkakakitaan

Pero ika nga nila, kapag maikli ang kumot matutong mamaluktot. Mas mainam na rin, kaysa wala.

Kaya’t inaabisuhan ng gobyerno ang publiko na maghanap-hanap na ng ibang mapapagkakitaan para sa extra income. Lalo at unti-unti na rin nagbubukas ang mga negosyo at may mga bagong negosyo na rin na nagsusulputan.

Hinihikayat din ang mga mamamayan na tangkilikin ang mga produktong lokal, para masuportahan ang isat-isa lalo na ngayong may pandemya.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga kababayan sa Queensland umaaray sa pagbawas sa JobKeeper payment | SBS Filipino