Alerto ang mga Pilipino sa Adelaide at sila ay may kaalaman sa mga babalang inilabas ng mga awtoridad sa estado, ayon ito sa isang pinuno ng komunidad Pilipino.
Ayon sa 'business manager' ng Filipino Settlement Coordinating Council of South Australia (FSCCSA), Cynthia Vallejo, ang mga Pilipino ay aktibo at pinapanatiling sila ay may impormasyon ng pinakahuling balita kaugnay ng anim na araw na ‘heatwave’.
Kanyang hinikayat ang lahat na magsuot ng maluwag na damit, manatili sa loob ng kanilang tahanan, panatilihing nalalamigan at 'dehydrated' at magkaroon ng bukas na komunikasyon sa mga pamilya at kaibigan.
Ang pagpapanatili ng bukas na komunikasyon ay napakahalaga partikular sa mga nakakatanda na nag-iisa upang sa panahon ng emerhensiya, madali silang makakakuha ng tulong.
Pakinggan ang kabuuang panayam.


