33 taon ng nagpapako sa krus si Ruben Enaje sa Barangay San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga.
Metikuloso ang paghahanda ng mga gagamitin sa krusipiksyon ni Enaje kabilang ang mga pako na ibinabad sa alcohol.
Pitong tao na rin ang nagkumpirma na sasali dito kabilang ang isang babae.
Sa kabila ng pagpapako sa kanilang katawan sa krus, ang ibang deboto ng penitensya ay hinahampas ang kanilang katawan.
Habang sa Iriga City, Camarines Sur, ang mga deboto ay nagmamartsa habang pasan ang krus.


