Ang mga Pilipinong migranteng asawang babae sa South Korea ay may positibong epekto sa lipunan. Isang patunay ang pagkakahalal sa una at tanging hindi-etnikong Korean bilang isang kinatawan sa South Korea National Assembly at isang naturalized South Korean na naging isang mambabatas na si Jasmine Lee.
Kung ikukumpara sa ibang lahi, karamihan sa mga Pilipinong migranteng asawang babae ay may mataas na pinag-aralan bago pa dumating ng Korea, kung kaya nakakapagtrabaho sila bilang mga propesyonal at nakakatulong sa komunidad lalo na sa mga kapwa migrante.

Nun Sol Jang (ikalima mula kaliwa) kasama ang ilang mga Pilipinang migranteng asawang babae (Supplied) Source: Supplied