Ang op shop ay itinatag ng Australian Multicultural Philippine Society kung saan karamihan ng miyembro ay mga Pinoy senior citizens.
Tulad ng ibang op shop, matatagpuan dito ang mga second hand goods tulad ng damit, furnitures, gamit sa kusina at marami pang iba.
Pero ayon kay Carolina Allen, naiiba ito sa karaniwang op shop dahil isang daang porsyento umano ng kita ng op shop ay nakalaan upang matulungan ang pangangailangan ng mga Filipino senior citizen at ang kanilang mga outreach programs.
Ipinagmamalaki din nila na ang op shop na ito ay pangalawa nang tahanan para sa mga Pinoy, maging sa mga local Australians.
Sa pamamagitan ng kanilang op shop ay matagumpay na naituloy ang isang kasal na muntik nang di matuloy dahil sa COVID at sa loob pa ng tindahan ito mismong isinagawa.

Australian Multicultural Philippine Society Source: Hazel Salas
Ang op shop na ito ay nagsisilbi ding aliw sa mga senior citizen na karaniwang mabilis nang mabagot o kung minsan naman ay nalalayo na sa mga kaibigan.
Mahalaga umano sa kanila ang mga ganitong aktibidad upang maiwasan ang depression at maalagaan ang kanilang mental health habang mas nagkaka edad.
Welcome ang sinuman na mag-volunteer bilang staff at libre ding sumali sa kanilang morning tea tuwing Miyerkules ng umaga.

Australian Multicultural Philippine Society Source: Hazel Salas
Matatagpuan an Australian Multicultural Philippine Society sa Facebook.



