Filipino-owned businesses sa Melbourne CBD unti-unting bumabangon sa gitna ng pandemya

filo businesses lockdown, recovery, covid, ginger olive, basement cafe

Sa kabila ng krisis, positibo sila Eddie at Elbert na patuloy na babangon ang kanilang negosyo. Source: SBS Filipino/Ginger Olive Facebook

Libo-libong negosyo na ang nalugi at ang iba ay tuluyan nang nagsara matapos ang sunod sunod na lockdown sa Victoria. Pero may ilan pa ring negosyong patuloy na nagsusumikap itong malampasan at ilan sa mga ito ay pag-aari ng mga Filipino Australian sa Melbourne na bitbit ang pag-asa ng pagbangon.


Sa apat na lockdown na kinaharap ng Melbourne, apat na beses ding pansamantalang nagsara ang Ginger Olive restaurant na pag-aari ng negosyanteng Filipino Australian na si Eddie Jalijali.

Binuksan nya ang kanyang restaurant sa Melbourne Central Business District sa Manchester Place noong May 2019.

“Usually February, it gets busy. Then March, supposed to be, busy na din with Grand Prix, Moomba. But that’s when Covid hit, ayun na… [our sales] went on a nose dive,” ani Eddie.
ginger olive restaurant
Tila ghost town ang Melbourne CBD noong magsimula ang lockdown, kaya naisip niyang pansamantalang isara ang restaurant. Source: Ginger Olive Facebook page


Kwento ni Eddie, masaya sila na unti-unting nakikilala ang kanyang restaurant sa Australian fusion at multi-cuisine gayundin sa kanilang hospitality. Hanggang sa dumating ang pandemya kung saan tila naging ghost town ang Melbourne CBD dahil sa lockdown.

“70% of our customers are not here, there’s no international visitor, there’s no interstate visitor. I’m relying on my followers, I’m relying on locals. But we are surviving,” dagdag ni Eddie.
Gustuhin mang magbukas kahit for takeaway, mas malaki pa ang magagastos kaya minabuti nilang pansamantalang isara ang restaurant habang naka-lockdown.

Bagaman may nakuhang kaunting tulong mula sa gobyerno, hindi ito sapat sa mahal na upa, matinding kompetisyon at walang customer na kanilang kinakaharap.

80 porsyento ang nalugi. Malaking bagay na lang ang emergency fund pero hindi na rin alam ni Eddie kung hanggang kailan nito kakayanin.

'Survival mode' lang kami

“Luckily, we are getting the support of Filipino community, yung mga Melburnians. Pero at the same time support is not all about it. It’s the quality of products. It’s what we offer them. It’s the experience.”

Ngayon ay unti-unting nakakabawi ang kanyang restaurant at lagi nang fully booked ang kanilang weekends kaya umaasa din si Eddie na magtuloy-tuloy ang pagsigla ng mga negosyo.

Hindi rin naging madali para sa isa pang Filipino Australian owned business na basement cafe ang pagharap sa pandemya.

March 2019 nang binili ni Elbert Estampador ang cafe na matatagpuan sa busy street ng Latrobe sa Melbourne CBD. Malaking hamon ang unang lockdown at takot ang unang naramdaman ni Elbert.

“Balak talaga namin na magsara antayin magopen o matanggal ang restrictions. Pero swerte kami na ang position namin dito napaligiran kami na tao na essential katulad ng construction. Hindi sila nagsara." 

"So kahit papano may bumibili ng coffee, sandwich, meat pie, sausage roll. Tuloy tuloy sila. Kahit papaano may customer,” kwento ni Elbert.

Dagdag pa ni Elbert, malaking bagay ang kooperasyon ng kanyang mga staff na nagbawas ng oras at sweldo. Nagbago rin sila ng diskarte para mabuhay pa rin ang negosyo.

“Kami nung nangyari yun, survival mode lang eh, nakikita namin walang estudyante, walang teachers, walang taga-office.”
“Ang strategy namin, tinarget namin mga construction workers. Sila lang nandito eh. Pinalitan namin lahat hg laman ng fridge namin. Naglagay kami ng mga burgers, naglagay kami ng mga kakain nila. Talagang nagpalit kami ng menu para lang mabuhay ang business.
80 porysento ang bawas sa kita simula ng pandemya pero naging matiyaga si Elbert at ang kanyang staff. Aniya, kahit papano ay may tulong mula sa gobyerno pero mas malaki ang pasasalamat niya sa mga customer at suporta ng Filipino community.

Aminado si Elbert, malaking bagay na makuha din ang Filipino market lalo na makilala din ang pagkaing Pinoy sa Melbourne.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN
“Ang unang una talaga naming gusto gawin nung magtake over kami ay mag-iintroduce kami ng mga Filipino food. Eh nung naglockdown, walang tao. Tapos nung nakita na namin unti-unti nawawala ang cases, bumaba ng bumaba, sabi ko sige na maglagay na tayo ng Filipino food.”

Taong 2019, nagbukas ang dalawang restaurant nila Elbert at Eddie kasabay ng pagkalat ng Covid-19. Pero sa kabila ng krisis at mga pagsubok, positibo sila na malalampasan nila ito at patuloy na babangon ang negosyo sa gitna ng pandemya.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand