Isang Pinoy sa QLD tinalo ang ibang lahi sa pasarapan ng sinangag

cooking competition, brisbane, sinangag, queensland

Si Steve Areola, isang international student na nag-aaral ng Cookery ang itinanghal na panalo sa cooking competition sa Brisbane. Source: U&I Global

Dahil sa sinangag, hindi akalain ng 28 anyos na si Steve Areola, tubong Surigao at isang cookery international student sa Brisbane, na itatanghal siyang panalo sa pagluluto ng fried rice.


Kung sa pasarapan din lamang ng fried rice hindi magpapahuli ang mga Chinese kung saan kilala ang chaofan, hindi lamang sa China maging sa buong mundo.

Kalimitang sangkap nito ang itlog,toyo at iba't-ibang gulay tulad ng green peas at corn kernels.

Gayon din ang Japan sa masarap nilang yakimeshi,  at ang bokkeum-bap ng korea na may halong kimchi.
cooking competition, brisbane, sinangag
Tampok sa kompetisyon ang kani-kaniyang bersyon ng fried rice na inihanda ng mga kalahok na mula sa iba't-ibang lahi. Source: U&I Global
Meron din naman sa Pilipinas, ang pagsasangag kasi ay isang paraan ng mga Pinoy parang bigyang buhay o ng  ibang lasa ang bahaw o kaning lamig. Mayroon naglalagay ng ibat-ibang klase ng gulay, itlog, maging hotdog at kung anong mga tirang putahe sa refrigerator.

Pasarapan ng sinangag

Tinatayang nasa 15 mga indibidwal mula sa Asya ang kanyang tinalo sa Asian Cooking competition na inorganisa  ng U&I Global, isang education consultant agency na nag-oorganisa ng mga events para sa mga international students.
cooking competition, brisbane, sinangag
Labing-anim na indibidwal mula sa Asya ang nagpasikatan sa pasarapan ng sinangag. Source: U&I Global
Sa kompetisyon ay nakalatag na ang mga sangkap tulad ng itlog, bacon, ham,red and green pepper,mushroom,mantika, toyo, oyster sauce paminta at iba pa.

May lutong kanin na rin doon mula sa organiser, na siya nilang lahat gagamitin.Pero napasin ni Steve na hindi maganda ang pagkakasaing.

"Nag re-cook po kami ng rice kaming dalawa lang Pilipino kasing pagtingin ko na po sa rice hindi siya good."

Medyo nauna ng magluluto ang kanyang mga kalaban, habang siya ang nag iin-in pa ng sinaing.
cooking competition, Brisbane, sinangag
Lahat ng sangkap na gagamitin ay inihanda ng organiser para sa mga kasali sa kompetisyon. Source: U&I Global
Nang matiyak na luto ang kanin makalipas ang ilang minuto saka pa siya naggisa ng sibuyas at bawang, saka inilagay ang kanin sumunod ang mga sangkap at mga pampalasa. Tiniyak niyang balanse ang mga sangkap.

Sikreto sa kanyang sinangag

Ayon kay Steve hilig talaga niya ang magluto noon pa kung saan isang siyang cook sa isang inter-island na barko sa Plipinas.

Wala naman daw talagang sikreto ang kanyang fried rice. Pinagkaiba nga lamang hilaw na kanin ang ginamit ng kanyang mga kalaban.Kumbaga tamang diskarte. Ayon sa kanyang guro na siyang naging hurado hindi hilaw at hindi rin naman sobra ang luto ng kanin kaya nagustuhan niya ito.

Naalala kasi niya ang bilin ng kanyang ina noon.

"Kung hindi mo pinaghirapan  hindi maganda ang perang hahawakan mo."
cooking competition, brisbane, sinangag
Ang sinangag ni Steve ang itinanghal na panalo at siya ang nag-uwi ng $300 na papremyo. Source: U&I Global
Bagamat 300 dollars lang naman katumbas o nasa sampung libong piso ang halaga ng kanyang napanalunan napakalalaking bagay na nito pantustos sa kanyang pag-aaral.

Nagtatrabaho siya bilang cleaner sa isang grocery store, minsan hardinero, cleaner din sa mga bahay at mga establisimiento.

Simpleng luto, simpleng pangarap, simpleng papremyo. Nagsimulang mangarap sa Pilipinas at tatapusin niya  Australia para sa pamilya.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Isang Pinoy sa QLD tinalo ang ibang lahi sa pasarapan ng sinangag | SBS Filipino