Sa taong ito sa Melbourne Writers Festival tampok ang dalawang Pilipinong manunulat Daryl Delgado at Martin Villanueva kasama ang taga-Melbourne na manunulat Jennifer Porter na naglagi ng ilang panahon sa Pilipinas. Larawan: Martin Villanueva, Daryll Delgado at Jennifer Porter, sa Melbourne para sa Melbourne Writers Festival bilang bahagi ng WrICE (Writers Immersion and Cultural Exchange) isang proyekto ng pananaliksik sa pagsusulat salamat sa RMIT at Copyright Agency (Kredito kay: Francesca Rendle-Short)
Mula sa kanilang writing workshop sa Great Ocean Road sila'y naglaan ng ilang minuto upang makipag-usap at magkamustahan tungkol sa kanilang mga obra at sa mga hamonng hinaharap nila bilang mga manunulat sa pahanon ng makabagong teknolohiyang tinatawag na digital age.
Para sa mga dagdag na impormasyon, magtungo sa: http://mwf.com.au/session/asia-what-writers-across-borders-2/
Share




