Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Mga magulang hati ang reaksyon sa posibleng pagbakuna ng mga batang may edad 4-na-taong gulang pababa laban COVID-19.
SBS Filipino
23/06/202209:09
Aprubado ng bakunahan ang mga batang may edad 4-na-taong gulang pababa sa United States.
Advertisement
Ito'y matapos pinahintulutan ng Food and Drugs administration at Centers for Disease Control and Prevention na gamiting gamot ang PFizer-BionTech at Moderna para sa pagbakuna ng mga bata mula edad 6-na-buwan hanggang 4-na-taong gulang.
Highlights
- COVID ang pang-limang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga batang may edad 1 hanggang 5 taong gulang sa US ayon sa Centers for Disease Control and Prevention
- Mas mababang dosage ang iturok sa mga batang 6-na-buwan hanggang 4-na-taong gulang kumpara sa matatanda.
- Therapeutic Goods Administration patuloy ang pagsusuri sa mga gamot para sa mga bata
Samantala sa Australia patuloy ang pagsusuri ng Therapeutic Goods Administration sa gamot na Moderna para masigurong ligtas itong gamitin para sa mga pinakabatang myembro ng bawat pamilya sa bansa.
First time mum Karla Amarillo is positive of administering COVID vaccine for her one-year old daughter Annastacia. Source: Karla Amarillo
Subalit ang hakbang ng US ay sinang-ayunan ng first time na inang mula Sydney na si Karla Amarillo.
"Sa ngayon, piling mga lugar lang ang aming pinupuntahan dahil sa COVID pero kapag bakunado na si baby mas kampante na ako dahil ligtas na ito. Maaari na syang makipaghalubilo sa ibang mga tao.
Andyan na kasi ang COVID hindi pa nawawala kaya mas mainam bakunado din sila kailangan nating matutunan mabuhay na na may virus, importante ligtas din ang mga bata."
Source: Cilyn Singh
Taliwas naman ang reaksyon ng inang si Cilyn at asawa nitong Jouls Singh. Ayon sa mag-asawa unang pumila sila sa mga vaccination hub dito sa Sydney para magpabakuna noong nakaraang taon at isinunod ang kanilang panganay.
Subalit hindi sila payag na bakunahan ang kanilang bunso na magtatatlong taong gulang sa darating na Setyembre.
"Baka hindi makayanan ng bata ang gamot, baka naman pwede ang mga matatanda lang o adult ang bakunahan huwag muna yong mga sobrang bata.
Sinadya kong patuloy ang breastfeeding kahit mag 3 years old na sya para malakas ang immune system sabay ang pagbibigay ng vitamins araw-araw," kwento ng inang si Cilyn.
Ayon kay Dr Nicholas Woods mula sa Univeristy of Sydney, binabantayan nila ang kaligtasan ng mga bata nabakunahan sa US, ngunit dito sa Australian patuloy ang kanilang pagsusuri para sa kaligtasan ng mga pinakabatang residente ng bansa.
Magsasagawa din ng mas malaking clinical trial bago maglabas ng pinal na desisyon.
"Maganda ang resulta ng pa-unang test o trials sa katawan ng mga bata na nabakunahan, ngunit kailangan ng mas malaking data para susuporta sa hakbang na ito."
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.